Sunday, May 1, 2011

3-A FAMILY.

     


March 09, 2011
      Sa buhay natin, maraming nagbabago at sa bawat pagbabagong ito marami tayong masasaya o hindi makakalimutang mga sandali na napagdaanan, at syempre nakapupulot din tayo ng mga aral sa bawat panahong ating napagdadaanan.
 Parang 3-A lng, may mga oras na masasaya habang nagkakasama at mayroon din namang lungkot na napagdadaanan. Minsan, ang kasalanan ng isa ay kasalanan ng lahat at dyan galing yung " Assignment ng isa ay assignment ng lahat hahaha... Sa 3-A uso din yung hingian ng papel ( " Tol, penge namang one-fourth.. Ah, one-whole na pala").
      Maraming popular lines ang 3-A, isa na dyan yung araw-araw na sinasabi, " Hoy! May assignment ba tayo? " Sasagot ang isa, " Oo, Math lang naman! Magrereact.. tapos " Shet wala pa ako, pakopya naman ha!! " Sasabat ang isa " Ginawa mo ng bahay itong school. Hindi ko tuloy malilimutan yung tuwing oras na ng AP, hahaha. mga bilis-bilis gumawa ng assignment sa Math sa halip na makinig na sa klase. Grabe talaga ah, ah... Hindi rin mawawala yung " Uy! Anong sagot sa #1? "..." blah! blah! blah! pakopya din!!. Wow gayahan sila, yan tuloy parehas na ng score hehehe ( UNITY ).
     Ganyan talaga ang 3-A, minsan naman yung tinatawag na UNITY ay nawawala, may ilang tatamaring magpakopya at tulungan ang isa't-isa. Pero ok lang yun, kailangan din naman kasi naming makipagkumpitensya sa isa't-isa. Ahmmf seriously  masarap kasama ang 3-A, nandyan lagi ang tawanan, asaran, kulitan at masasayang kwentuhan. May magkekwento about love life kaya naman kilig to the max, mayroon ding magjo-jowk, tapos may mag-isang tatawa, hehehe ( waley ). At hindi rin naman mawawala yung asaran at kung may nang-aasar, may napi-pikon. Uso rin sa 3-A ang foodtrip, kadalasan kung may birthday kakantahan at sabay bagit ng ' manlilibre", pero minsan nang nangyari yung may nag-birthday tapos inalayan pa ng dalawang kandila na may kasama pang larawan ng may birthday, (Condolence party yun ahh). Ang 3-A talaga ooh.. mawawala ba naman ang bonding ng 3-A sa panahong ito, syempre yayaan dito, yayaan doon. Ang sarap kaya ng feeling kung lahat ng buong section magkakasama di ba?. Lagi kaming gumagala kung saan-saan, halos malibot na nga namin ang buong San Pablo eh. Pero kainis lang sa 3-A yung imbis makapunta na sa dapat puntahan, titigil pa sa bawat matitigilang kanto, tapos magbabago ng disisyon. Yung iba naman sa amin, may sariling buhay specially yung mga kill joy, parang mga boys, pag oras na nilang magcomp., ayun Dota mode na sila hehehe..! Pero ok lang yun, masaya sila dun eh.
      Ang 3-A kasi may kanya-kanyang gimik pagdating sa klase. May ilang ibibilog pa ang upuan, tapos bibirit ng kanta, meron namang tutungo at pasimpling tutulog, may magchichismisan about love oh so what ever pa, May mga mag-papacute (sarap sipain hehehe), may seryosong magbasa at magsulat, tapos kwentuhan to the max, may nakanganga, nakain, pasarap buhay, may nagsa-soundtrip, may naglalaro ng PSP at may nagdadrawing parang ako... At higit sa lahat may nageemote (pasan lagi ang daigdig). Yan ang 3-A pag kanya-kanyang gimik. pero............... sa 3-A hindi mawawala yung away at gulo, may magsusumbatan, may napipikon at may nadadamay. Pero kahit ganun, namumuo pa rin ang aming magandang samahan, samahang walang kapantay, walang makasisira at samahang dala-dala namin hanggang sa magkahiwa-hiwalay
      Ako si MARVIN C. BINASOY, na naging bahagi ng buhay ng 3-A na lubos na nagpapasalamat sa lahat na nabibilang sa sectiong ito. Proud to be 3-A.... walang iwanan hanggang sa huli. (GFW) GO, FIGHT, WIN...

No comments:

Post a Comment