proud to be a good cartoonist |
Memory is a way of holding onto the things you love, the things you are, the things you never want to lose. We do not remember days; we remember moments. ( Ang drama noh). yan ang buhay ng RSPC'ians mula sa limang araw na pamamalagi sa Bayan ng Sta. Rosa.
Ang hirap talagang makagetover, lalo na kung patuloy naming inaalala ang mga masasayang araw namin noon at ang naging gawain namin.
Ako si Marvin C. Binasoy, proud to be na naging isa sa mga mahuhusay na Cartoonists sa Division ng San Pablo ( Mahusay nga ba?).
Masaya ako sa mga nakilala ko, kina Evan, Brenit at Amante, mga mahilig magpatawa, kahit 2nd day ko lang sila nakabonding, ok lang. hirap kasi makakilala noong 1st day pa eh!, masyadong mga seryoso. Salamat na rin sa mga schoolmates ko na mas nakilala ko, Kina ate Piwie, Bernadet, Angela, Althea, Marian, Recy, Kenna at Khryss. ganun din sa mga kakulitan kong sina Aeron, Fausto, Jomar, Aerrol at Genard.
At ito ang simula ng mga bagay at pangyayaring super memorable para sa akin;
1st Day,( ang nawawalang vest, ang allowance )
Unang araw, pagdating namin, medyo pagod na pagod kaming lahat noon buhat sa byahe. grabe ang room na tutuluyan namin ang layo, nakakaliyong magpabalik-balik sa hagdan mula ground floor hanggang 4th floor. Then pahinga muna.... ZZZzzzzz..... Tapos excited pang mga magsuot ng vest, kaya naman..... yun! si Sir. Lacsam pa ang nawalan... napagalitan pa tuloy kami.
At yun na nga..., bago ang parada, naghanda kami para sa cheer ng mga taga San Pablo. " We are ready, ready, ready,ready to fight ready to write, ready to voice our rights" hahahaha nice one!!!, dapat hindi kasama ang walang vest, whahahahahhahah. and then dumiretso na kami sa venue sa SM Sta. Rosa, nangutang pa ng pamasahe si ate Piwie ai!!! .
Grabe daming kalaban 15 Division ata yun!!. Tapos kahangahanga yung mga nagperform sa stage, may nagsayaw tapos may tumugtog ng violin at flute.. ( super galing ). Tapos nagtayuan na para umawit ng pambansang awit, kala ko kakanta na ng " sopas na paborito" hehehe, tawanan kami nina Fausto ai!!!, pati si ate Piwie nakitawa na din. dun ko din nakilala si Sofia, hehehe grabe kakulit, biruin nyo daming sinasabi, hindi naman namin maintindihan, wikang Hapon kasi, buti si Kenna naiintindihan, hehehe, tapos yung mga jowks nya kahit papaano nakakatawa, whahahaha... Hapon na kami nakabalik sa room para magpahinga. sawakas at ibinigay na din yung allowance namin hehehehe. P500.00, wow! kung tutuusin kulang pa yun ih!! hehehehe joke lang yun!. And then, yun, nagsimula na kaming magtraining ng editorial cartooning kahit gabi na, nakakatamad nga eh!
mahimbing na tulog ng mga journalist!! |
After nun, nagsimula na nga kaming magkantahan, Si jomar ang gitarista at si tropang aerrol, tapos nakibonding na din sina Amante,Brenit at the big time manager na si Evan,lalong pumangit tuloy ang kantahan, este gumanda pala lalo ( hahaha easy lang ).
Oras na nang pagtulog, kanya-kanya nang pwesto, natulog na silang lahat,.. ako! yun mulat pa, nakakatamad pa kasi nun matulog. si genard na ang gumamit ng tulugan ko, hehehe.... grabe, ang hihimbing matulog, ang babait!!! pero si fausto,jomar. nagising tapos tinamad na din matulog ulit, kaya naman naggitara na lang muna siya para labanan ang antok. ( adik... ), sumunod na nagising si fausto, pero nahiga ulit, tapos bumangon ulit ( hahaha ) di ata makatulog (kinakati ata ...... hehehehe peace!!!). tuwid na tuwid palang matulog ( nakakatawa... ). Gusto ko ng maligo noon, kaso alas tres pa ang supply ng tubig, kaya naman tumambay na lang muna ako, hanggang magkaroon ng tubig. buti na lang may nakasama pa sa pagtambay, si Jomar.
2nd Day, ( updated sa pila, training at ang kilig moment )
At sawakas, sumapit na ang alas tres, ang lamig ng tubig hahaha. Ito na ang pagkakataon namin nina Jomar at Fausto para maligo, at si Aerrol, yun ginising na namin, baka magtampo pa si luko ai!!!. Naman, sabay kaming naligo ni tropang Aerrol, kailangan pa ng flashlight para maligo ai!!!. Lahat kami nakapaligo na, nag-aantay na lang para sa almusal, ako pa nga ang naging tagapag-abang ng mga gago.... hahaha
(Boys get ready) may pila na sa baba, yun updated pa sa pila ang mga boys hahahaha... ( halatang mga pasal nang kumain ai!!! ). Hirap bumaba ng hagdan, nakakaliyo. After kumain, nagsipilyo na lahat, then naggala, umutang pa nga ako kay Kenna ng 30 pesos load, tapos hindi pa pinabayaran, ( wow ang bait naman ).
Pero kawawa naman ang mga broadcaster, panay ang training, sina Fausto, Aerrol, Jomar, Kenna, Marian, Recy at Angela, bawal sa kanila ang kumain ng matatamis like chocolates at pati ata fruitdrinks.
( hahaha ) pandi sawa naman kami, hehehehe. Tulad ng paboritong gawain, ang mahiga na lang, naggala kasi sina Pholl, Janny at Aeron. Katamad kasing gumala kaya di na ako sumama. At yun simula na ang , paglaban ng unang kategorya, hanggang sa tuloy-tuloy na ang bawat labanan sa bawat kategorya.
Wala na ako ginawa kundi ang kumain lang ng kumain, halos maistak na yung mga binibigay sa aming mga fruitjuice na binibigay sa amin, tyaka mga junkfoods pero ok lang, busog naman eh hehehehe!! ( takaw ). Tyaka nga pala ang laki ng pakinabang ko kina ate Piwie, hahaha nakaunli call ako ih, pupunta sila sa room ng boys para makitawag.... ( mabait naman ako ih ).
Yun asuxual, updated nanaman sa lunch, hehehe, tapos merienda na ulit hahaha busog to the max ai, then nagpatawag na si Sir ng training ng mga cartoonists, kami nag nagtuturo sa mga elementary, tapos, dun ko mas nakilala sina ate Jean, Rachel at Aedrian. Kinuha ko no. nila habang nagdadrawing kami, ganda ng bonding ng mga elementary at secondary cartoonists hehehe, kanya-kanyang kwentuhan, si Aedrian grabe, pandi okray sa amin ai, at story teller pa. At si Rachel, nagpapaturo kay Janny, how sweet naman hahaha, dun nagsimula ang kung paano sila nadevelop hehehe. Tapos yun, pinasa na yung mga drawing namin, After nun, natulog na ako para bawiin yung di ko pagtulog noong nakaraang gabi, 2 oras nga lang. Then kumain na din kami ng dinner hehehe karne nanaman. Tapos, nagpahinga na kami, naglatag na ulit ng higaan.
Pero bago matulog, Syempre nagbonding muna kaming mga "Backroomboys", hahahaha, nagkantahan muna kami nina, Jomar, Fausto, Aerrol, Brenit, Evan, Aerron, Janny, Pholl tapos si Ericson, nagbi-violin. ( di ba ang saya? ). Tapos, doon din namin nalaman na itong si Janny ay nainlove pala kay Rachel. ( kilig naman ). Kaya naman yung aming naturingang Planer na si Evan ay may naisip na bagong balak.
Plan A, ang bumaba mula 4th floor hanggang 3rd floor, wow babaan nga!! kaso kami lang nina Evan, Pholl, Aerron, Brenit at syempre mawawala ba naman ang bida sa balak ni Evan si Janny.
Plan B, hintayin si Rachel na lumabas ng pinto, then nag-isip ulit ng pangatlong plano si Evan,9:00 lights-off na dapat at bawal ng lumabas ng room, kaya naman yun, puro sermon ang napala namin, lahat nakatalikod habang nagsasalita yung teacher. ( speechless kaming lahat ai, ). Tapos, tinanong kami kung ano ang pinakamahalagang hause rule, nakadali si Evan na,.... " Wash your eating paraphernalia ", whahahahahahaha.... napatawa na lang kami ai. at pinaalis na din kami sawakas, syempre, nagsorry din naman kami kahit papaano, hehehehe. At yun, umuwi kaming walang napala at hindi napaghandaan ang Plan C. hanggang sa....................... napagalitan kami ng isang teacher sa elementary, hindi namin napansin na lights-off na pala.( nyahahaha ).
Kawawa naman si Janny, kaya naman natulog na sila, pero ako, gising pa, tinext ko muna si Rachel, gising pa pala nung mga oras na yun. Iniisip yung nangyari, nung napagalitan kami, kasalanan daw niya kasi, dapat daw lumabas na agad siya para di na kami napagalitan at sana natapos namin yung Plan C. hahahaha. Halos maluko na si Evan kakaisip sa plano. hehehe. Tapos yun, natulog na ako pati si Rachel.
3rd day ( ang backroomboys, laban ng cartoonists at ang spin the bottle )
Tatlong araw na kami sa Sta. Rosa, maaga kaming gumising. Hmmm........ hindi na kami updated sa pila, hehehe. Sama-sama kaming kumain ng agahan, mga " Backroomboys " at yung mga babae, parang bonding pa rin, kwentuhan pa rin, tapos pauyuhan pa sa paghuhugas ng mga kutsara at tinidor, hehehe. At ganun pa rin binigyan ulit kami ng merienda, napuno nanaman ng fruitdrinks yung aming room. Tambay mode muna, tapos kantahan, hindi ko talaga makakalimutan yung favorite song ng " Backroomboys " after makakain ang " May bukas pa " hahaha. Always kaming naririnig na nakanta ng bawat madaanan naming mga rooms. ( for sure napaos din yung mga yun ).
Pero ang totoo, kabado ako non, kasi yun ang araw na lalaban na ako sa kategoryang Editorial cartooning, ewan ko lang si Ericson, ( asa pa namang kabaduhan yung lukong yun hehehe ). Then, nagpahinga muna kami, nangain nang nangain, nanuod ng movie sa dalang fortable DVD ni Sir. Lacsam, After nun, naglinis na kami ng room para sa nalalapit na pagandahan ng room, syempre may premyo yun. hehehehe.
Pagkatapos noon, naligo na ang mga lalaban, nagprepared na ako ng mga gagamitin ko sa laban, nagtasa ng lapis at sa hindi inaasahang pagkakataon nahiwa ang hinlalaki ko, cutter kasi nag gamit ko, grabe dugong dugo ( pero ok lang buhay pa naman hehehe ). Pinaunang pakainin ng lunch ang mga lalaban, After matapos, nagsuot na ulit ng vest at nagtipon sa cover court ang lahat na lalaban, naglog muna kami sa logbook, then, tinipon ulit kami ni Sir. Lacsam, elementary at secondary. Grabe si Evan, hindi nagpaiwan, sumama sa amin kahit hindi siya cartoonist, hehehe. Si Genard lang ata ang naiwan sa room namin.
At sa wakas nakarating din sa venue ng paglalabanan, grabe super lapit lang pala, syempre... nilakad lang namin eh hehehe. Naghiwalay na ang English at Filipino Cartoonists, kahit pala sa laban updated pa rin kami, kaming mga taga San Pablo ang unang dumating sa venue, hehehe. Ang mga kakwentuhan ko lang dun sina Brenit, Janny, Rachel, Renz at yung isang taga San Vicente, sorry di ko kilala eh!!.
Grabe, habang isa-isang nadating ang mga kalaban, tinitingnan ko yung sugat ko sa daliri baka kasi natulo na ang dugo eh. Mukhang talagang pambato na ata ang mga kalaban namin dun. Pero isa lang ang nasabi namin ni Brenit, dahil laban nga yun, binigay talaga namin yung best namin hindi yung "vest" na suot namin ha. hehehe.
Pero........... sa hindi nanamang inaasahang pagkakataon, may nagawa kaming mali, hindi namin napermahan yung drawing namin, halos lahat talaga, kahit sina Brenit, Rachel at Janny wala ding perma. Kainis kasi yung proctor namin, sabi di na kailangan ng lagda, eh dapat pala si Sir. Lacsam ang sinunod namin, eh 20% din ang signature. Pero wala na kaming nagawa, basta ako, pinaganda ko talaga ang gawa ko. Kaya yun, badtrip samin si Sir. Pagkabalik namin, nagpahinga na ulit, ang sarap ng merienda namin, my favorite, "spaghetti", hehehe para tuloy Birthdayan. Tapos nagyaya akong pumunta sa plaza, kahit pagod pa kami pumunta pa rin kami sa plaza para bumili ng souvenir, grabe dami kong nabili, syempre bumili din ako ng damit na may tatak sa likod na "cartoonist". Tapos nagpaiwan muna kami nina Pholl at Janny sa plaza, kasi magkokompyuter sina Brenit, Ericson, Aerron, Jomar, Fausto at Evan. ( kahit pala sa malayong lugar dala nila ang pagiging adik nila ) hahaha peace!. Tapos si Evan may naisip nanamang plano, kasagwat pa si Aerron, at yun pala, bumili ng DVD scandal hahaha, ang baliw talaga ni Evan. mula sa plaza, dami naming pinuntahan, sa simbahan( tumambay lang), nagfishbol, nagmuseo tapos umikot at namahay hanggang makabalik na kami sa tinutuluyan naming school, ang daming iba't-ibang Divisions ang nagpunta, awarding pala, kaya naman tinipon lahat ng taga San Pablo para magcheer. Katamad naman kaya natulog na lang ako. After makakain ng dinner, tumambay ulit kami tapos nagkantahan nanaman. ( paulit ulit lang di ba? ).
At sa wakas, yung pinakahihintay kong plano ni Evan nagawa namin. Ang Plan C., haranahin si Rachel at yan ang tanging hiling ni Janny, lahat ng "backroomboys" sumama sa 3rd floor, hahaha at syempre dahil hinaharana ni Janny si Rachel, " harana " ang kinakanta namin at tinutugtog namin, ang badoy nuh? hahaha. Tapos pinitsuran pa kami nung isang teacher habang nakanta kami, ( sana cute ang kuha ko dun, nyahahaha ). Tapos nag-usap ata sina Janny at Rachel. Pero............. sa mukha palang ni Janny, parang hindi naconfirm yung panliligaw nya... ( sayang ). Di bale na extra lang naman kami dun eh hahaha. After nun nagpahinga na silang lahat, pero kami ni Jomar nasa labas pa, at sa mga oras na yun nakita namin sina Ericson, Brenit, Jean at Rachel, kaya nakibonding na kami ni pareng Jomar. At dahil wala kami nung magawa, naisip na lang naming mag spin the bottle, grabe, ang sisimple ng mga tanong, " anong pangalan mo?, ilang taon ka na?, kamusta ka naman?," hay naku, lalo akong nabored, pero gumanda ang kwentuhan namin nang nakibonding na ang story teeler naming si Aedrian. ( hahaha ). Kahit 9:00 lights off na, kwentuhan pa rin kami.
Dahil sa hindi na nalabanan nina Rachel at Ate Jean ang antok, natulog na sila. At syempre, bumalik na din kami sa 4th floor para matulog. Yun ang pinakakumpletong gabi na nakatulog ako ng maayos. Ahmmm... ang sarap ng gising namin noon. Maaliwalas, pahinga na kasi ako noon, wala na kasing laban, hehehehe.
4th Day ( Ang slurpee, sa plaza at si Brenit at ang bubbles )
Hulaan ninyo kung ano ang pinaggagawa namin noong mga araw na iyon, hahaha... Eh di kwentuhan ulit, tapos kantahan, ang sarap din ng kain ng almusal eh, naligo na din kami, hahaha fresh na fresh, bonding nanaman ang " backroomboys ".
Dun din namin nakilala si Patti, kasi nung tinawagan ko si Rachel, iba ang sumagot, tapos kinausap nina Ericson at Brenit, kala namin kung sino, si Patti na nga pala, ( ganda ng boses ah... ). Tapos niyaya kong pumunta sa 4th floor sina Rachel, Ate Jean at Patti para makipagbonding lang sa amin. At yun dumating din, ang puti pala ni Patti hahaha. Kunting oras lang kaming nagkwentuhan. After nun, kumain na kami ng lunch. ( boys get ready ) hahaha. Gaya nung mga naaraang araw, karne pa rin ang ulam, kahit anung kain ko doon oras-oras, payat pa rin ako. Tapos nagkayayaan nanaman pumunta sa plaza at SM, pero mas masarap mamasyal ng gabi kaya gabi na kaming naggala. Ilang oras ang lumilipas, wala kaming magawa kundi ang kumain lagi ng merienda, kwentuhan at kantahan.
Then, after makakain ng dinner, may awarding na naganap about school paper ata yun, pero kami, nagkayayaan nanaman pumunta sa plaza, si Marian, sabik makabili ng souvenir, hehehe, yaya ng yaya. Pero bawal nun lumabas kasi nga may program, tapos wala pa yung lobook, pero dahil sa makulet ako, nakahanap ako ng paraan at magiging kasagwat, hehehe at si Evan ang tumulong sa akin, masugid naming pinagplanuhan ang makalabas at makapunta sa plaza, kaya naman ang ginawa namin ni Evan ay.... nagpaalam kami kay Sir. Lacsam, pero ayaw talaga kaming payagan, pero dahil nga sa makulet ako, namilit pa rin ako, nagpatawag ako ng resback, hahaha. Dalawa lang ang pinapupunta ko, aba'y lahat ay sumama at sabay-sabay na nagpaalam kay Sir. at Ma'am Magtanong, hahaha. Kaya naman, dahil wala nga yung logbook, humingi ako ng papel para ilista ang mga pangalan ng mga pupunta sa plaza kahit gabi na. At sa wakas, pinayagan kami, hindi nakatiis si Sir. at sumama na din. Sama-sama kaming lahat, sina; Brenit, Ericson, Evan, Fausto, Aerrol, Aerron, Genard, Pholl, Janny, Recy, Kenna, Marian, Bernadet, Piwie, Althea at Angela ( ang dami noh, saya naman ). Sayang wala si Jomar, sinamahan kasi si Khryss para sumamba.
Ang masaya pa doon, nilibre pa kami ni Sir. ng Slurpee, pero kung kailan namang nasa plaza na kami at namimili na ng souvenir sina Marian, nabalitaan naming 1st place daw sina Fausto, Jomar at Recy sa broadcasting ( wow ang galing !!!! ). Kaya naman ang reaksyon nila,............ dali-dali silang bumalik sa school, at dala-dala pa ang kanya-kanyang Slurpee, hahaha, ( hindi mabitawan ai hahaha. ). Pero tumuloy pa rin kaming mga cartoonists sa plaza, tamang tambay doon at panay ang pangtitrip sa mga nadaan, At hindi lang yun, dahil sa bored na si Brenit. hindi naiwasang bumili ng bubbles, hahaha, para lang pala may mapaglaruan ( ang babaw naman ng kaligayahan ni Brenit hahaha. ).
At pagbalik namin , awarding na ng pinakamalinis na silid, super ingay namin nun, at ang tagal namin inantay ang announcement. Ahmmm........... At sa wakas, 1st place, room 18, hahaha tayuan kami, haha at sabay palobo ng bubbles ( hahaha ang saya naman ). Dali-dali kaming bumalik sa room, para paghatian ang premyo, may junkfood, cream-o and then chocolate. Grabe, nagulat kami nung biglang dumating ang mga babae, ( nangangaroling ata para sa chocolate ), syempre binigyan namin, naawa lang. (hahaha). Tapos nagplano nanaman kaming "backroomboys" kung paano magtethank you kay Mam. Magtanong, tapos, hinarana namin, hahaha ( ang sweet naman ). Then bumalik na kami sa room, nag-aantay pa sina Rachel at Patti sa amin para makipagbonding time, pero nangangaroling pa kami nun eh, tapos yung iba, iniisketch ang mukha nina Sir. Lacsam at Sir. Sonny ng San Vicente..
Hahaha........ puro naokray ni Aedrian ung mga sketch, buti na lang hindi ako kasama dun, hahaha. Mas pinili pa namin ni Pholl ang kumanta at tumanggap ng pera. Ang sarap naman mangaroling, sama-sama kaming naglibot sa bawat room nina Jomar, Aerrol, Pholl, Fausto, Recy, Marian at ang aming manager na si Evan ( hahaha ang gaganda ng boses. ). Kawawa naman si Aerrol, napagtrian pa habang nangangaroling kami sa mga nagiispin the bottle na nadaanan namin, tapos, eto naman si Marian, hindi pa nakuntento, pinitsuran pa si Aerrol habang napapagtripan, at si Jomar napalaban pa sa paggigitara, hehehe.
At sa wakas nakatapos din ng pangangaroling, malaki-laki din ang nakulekta naming pera, mahigit tig 30 pesos kaming lahat. Matapos naming makapagpahinga, pinuntahan na namin sina Rachel at Patti na antagal na nag-antay sa amin. Nakakahiya nga eh nung nagpunta kami, naroon lahat yung ka schoolmates nila, dala-dala ko pa yung mga snacks na di namin naubos, tapos, puro lalaki pa kami. At hindi lang yun, nayaya pa kaming apicturan nung isa nilang kasama ( hahaha ang titindi ng mga post ai ).
And then, niyaya na rin nina Rachel si Ate Jean, ( halatang bagong gising hehehe ). Yan, halos kumpleto na ang barkada, handa ng maparty at mag spin the bottle. Saya namin nun, sama-sama ang mga "Backroomboys", tapos sina Rachel, Patti at Ate Jean, at syempre, hindi mawawala ang mangookray na si Aedrian, hehehe peace. At para maging masaya ang lahat, nakibonding na din sina Ate Piwie, Bernadet, Angela, Althea, Khryss, Kenna, Recy at Marian.
Tapos, pagkatapos ng makipagkwentuhan ang lahat, hindi na nakatiis ang iba na antukin at matulog na. Hating gabi na kasi nun at wala na talaga kaming balak na matulog, Si Brenit, dun na nakahiga sa sahig, tapos sina Rachel, Patti at Jean, mga halatang inaantok na pero nilalabanan nila, ( hehehe ang titibay ). Hanggang sa magkaroon na ng tubig, wala na ngang tulugan, yung iba naligo na agad at ganun din kami. Nalimutan ko nga nun na wala na akong Gatsby na ipapahid sa buhok ko, yun pa naman ang isa sa mga mahahalagang bagay sa akin. ( hindi ako mabubuhay ng wala ako nun ), aya naman nagpasama ako kina Fausto at Jomar para lumabas ng school at bumiling gatsby, madaling araw nanaman nun. So naligo na din ako pagkatapos bumili.
5th Day
Oras na para mag-impake ng gamit, ito na ata ang pinakamalungkot na bahagi sa buhay ng RSPCians. Pagkatapos naming lahat kumain ng almusal, nagbihis na kami at naghanda na para pumuntang SM para malaman ang result ng laban namin, pero hindi ko nanaman inaasahang matawag pa ang pangalan ko dun at ganun din sina Brenit.
Bye-Bye na Guys......=D |
Pero mas lalo kaming nalungkot noong nalaman agad namin na 4th place lang si Amante na siyang inaasahan ng lahat na makakapagNational, ang kaso, hanggang 3rd place lang ang kailangan. Ganun talaga, may mas magaling pa sa amin. Pero kahit ganon, masaya naman kaming sumakay ng sasakyan papunta ng SM para sa Awarding. Nakarating na din kami sawakas. Masyadong excited yung iba sa amin. Pero dahil nabobored kaming Backroomboys dun, namasyal muna kami. Nagpunta muna kami sa supermarket para bumili ng snacks, tapos tumambay muna sandali, and then, nagpunta kami sa Quantum para maglaro, halos ubusin na namin yung bariya namin kakahulog ng piso sa larong hindi ko alam hahahahaha........ Tapos nagbasketball naman kami ni Evan, ( walang kwenta yung mga bola, hirap ishoot hehehe ). After naming makapagsaya, bumalik na kami sa awarding, may ilan sa amin, tahimik at kinakabahan. At kaming "Backroomboys" parang hindi nagalmusal, hindi man lang namin magawang mag-asaran at mag-biruan.
Palagi kong inaantay tawagin man lang yung lungsod ng San Pablo pero madalang, may ilan ngang nababanggit pero hindi naman kasama sa National, nakakalungkot isipin noh. At yun nga si Amante lang ang nakapanalo sa aming mga cartoonists pero ok lang hehehe. Uwian na, nakabalik na kami sa school, muling naglinis ng room at nag impake ng gamit, kinuha na din namin yung pack lunch namin, hindi man lang namin nagawang magsalo-salo sa huling kain namin, dahil kailangan na nga naming magmadali.
At kanya-kanyang paalam sa isa't-isa. Bakit pa kasi kailangan pang matapos yung masasayang araw namin ihh, pwede pa naman magextend hehehe. Lubos akong nagpapasalamat sa mga nakabonding ko, mga kapwa RSPCians. Sarap maging "Journalist" noh, hindi lang pagsusulat o kung ano pang gawain about journal, nagawa din naming makipagkaibigan. Proud to be.......
Why does it take a minute to say hello and forever to say goodbye?...Why can't we get all the people together in the world that we really like and then just stay together? I guess that wouldn't work. Someone would leave. Someone always leaves. Then we would have to say good-bye. I hate good-byes. I know what I need. I need more hellos.
TUMB'S UP......... salamat sa pagbabasa.
No comments:
Post a Comment