Tuesday, December 28, 2010

Ibagsak ang Edukasyon,IpangDota ang Baon

wag kang pakaadik.!
         Yan ang isa sa mga kasabihan ng mga adik sa Dota. Masasabi nga bang adik sila sa larong iyon?, pero para sa kanila libangan lang nila iyon. At kahit saan ka pang computer shop na magpunta ay patok na patok ang larong Dota, mapabata man o matanda. May ilan sa kanila, sisigaw pa kapag nakakapatay, tapos halos masira na yung keyboard kakapindot. ( eh delikado pala 'tong larong ito eh, hehehehe ).
          Hindi sa against ako sa paglalaro ng Dota, pero hindi ba nila naiisip kung gaanong kalaking pera ang nagagastos nila, hindi masama ang maglibang, pero sana man lang ay may limitasyon. Tulad nung iba, halos maka 4 hours sa pagbababad sa computer dahil lamang sa larong Dota. Oo nga, masaya nga itong laruin at aminin ko, hindi ako maalam maglaro ng Dota, kasi nga hindi ako "IN" sa larong ito.
sige, tira lang.!
          At minsan nga sumasama ako sa mga kaklase ko sa paglalaro ng Dota, kasi nga ayaw kong masabihan nila ako na "kill joy".( marunong din ako makisama nuh ). Habang naglalaro sila, ako naman nakatanga lang, at minsan natatry ko ding maglaro nito, iniiwasan ko ngang hindi maadik eh, kaya minsan ako yung nasasabihang "Quiters". Hindi bna sila nagsasawa sa mga paulit-ulit nilang ginagamit na characters. At may iba pa nga jan nakikipagpustahan, ( ano ba naman yan, pati Dota pinagkakagastusan. ). Siguro kung nagsikaw din ako sa paglalaro ng Dota, malamang na masasabihan din akong adik.
anu bang ginagawa nun?
           Sana lang bawasan na ang oras nila sa paglalaro ng Dota, bigyan naman nila ng priority ang Edukasyon at ilaan nila ang baon nila sa kanilang pangangailangan. Tandaan ninyo na may mas mahalaga pang mga bagay kaysa Dota. At sana tandaan nyo din na may paraan pang makapaglibang. Huwag ninyong sayangin sa kung anu-anong bagay na wala namang masyadong naidudulot na aral. At higit sa lahat, sa Edukasyon lang may pag-asa at pagsisikap.






Peace........!!!!!!!!!! 

No comments:

Post a Comment