March 3, 2011.
|
kainan na! |
Pasadong 4:00 ng hapon, tamang tambay muna sa school bago umuwi ng bahay. Dahil sa naboring na ako, eh, nagpunta na lang ako sa room ng 2Sci na kadalasan ko ng ginagawa simula noong naging kaclose ko silang lahat. Katatapos lang nilang magpresent ng kanilang tinatawag na power-point. At dalawa sa group nila ay may dalang cake. Tamang kainan sila, habang ako ay nag-aantay at naglalaro ng games sa cellphone ni Kat ng 2Sci, tahimik ako at ang ganda ng aking pagkakaupo.
|
wow ang cute nyo talaga noh!! |
Hahaha!!.... Ito namang si Bianca ay nagsimula ng kalokohan, at ito na nga yung pahidan ng icing, hehehe, grabe, nahawa na din yung iba, nagpahidan sa mukha, sa buhok, katawan at maging ang kanilang uniform ay may bahed din ng icing. Ibang klase pala yung mga yun magkabiruan, hindi pa natitigil ang royal to rumble na pahiran ng icing, pati ang classroom ay puro icing na rin. At ito na nga ang hindi ko inaasahang pangyayari, sinubukan nila akong sugudin para pahiran, at buti na lang sa kamay lang.... hahaha!!!. Pero sunud-sunod na silang lumapit sa akin, grabe si Jomhel pinahiran ako sa leeg at ang iba naman ay sa mukha at kamay, super bantot ng amoy ng icing ai.... Kainis!!!!, nadamay pa. Buti na lang walang Icing yung buhok ko, kung nagkataon, naku magagalit ako at magwawala, hahaha.. jowk lang. Kaya di ko naiwasang punasan ng panyo ang mga icing sa aking katawan at mukha. At ito namang si Mariz, patakbong lumabas sa room, ingat na ingat sa kanyang katawan, at sa akin pa tumabi. Ito namang si Philip, di natinag, tuloy ang pahiran, sinubukang lapitan kami ni Mariz, kaya naman tumakbo kami, hanggang sa..... Gotcha... napahiran din si Mariz, kawawa naman. Hai sdalamat natigil din ang icing rumble hehehe. Kanya-kanyang punas ng katawan, may halos naligo na at kami naman nina Jomhel at Rain ay pumasok sa CR ng babae para makihilamos.. hehe.
Pagkatapos, dumating na din sina John Lu, Nikki, Kat at ang iba pa, Sayang di sila kasali sa pahiran ng icing. Lahat kami ay nagsama-sama at umikot ng oval, yaya dito, yaya doon bago umuwi sa bahay. Syempre, hindin mawawala ang picture taking.... Hai naku, ako pa ang ginawang photographer. hehehe. And then balik na sa room. At yung chocolate cake naman ang kinain, hehehe, at sa wakas nagkayayaan ng umuwi ng bahay.
Grabe pala ang 2Sci, pag nagsama-sama na, super saya, kahit ako ay naging masaya din naman. SALAMAT sa inyo.
No comments:
Post a Comment